KARAGATAN
(May isang mesang
nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang
dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa
ponda.)
Tandang
Terong: Humm… tila
matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa nagagatungan.
Isang
Manonood: Kailangang
gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain.
Maring:
Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan
kaysa kailangan.
Isa
pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa
na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni
Neneng kung sino sa kanila ang
kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan?
Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.
Ingkong
Terong: Ayos ka na ba,
Neneng?
Neneng:
Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan
rin ninyo ang
masusunod.
Ingkong
Terong: At kayong apat?
Apat
na Lalaki : Opo.
Ingkong Terong: Akin
na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa
garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa
singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan).
At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing.
Mga
Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si
Neneng ay marami nang nailunod
na
talisuyo sa karagatan.
Berting: Magandang gabi sa inyong lahat. Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutya’y muling
nagpupugay. Ipinangangakong nahulog
mong singsing. Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay , tanda ng pag-ibig na walang
hangganan. Dahilan sa ako’y siyang nakabunot
ng palitong itong nagpapahintulot,
ako ay sumisid sa dagat ng nais. At ang iyong singsing ay aking makamit ay katunayan nang Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong
itangi. Sumisid sa singsing na aking
hinulog, subalit ‘di upang siyang maging irog kundi idaan lang muna sa pagsubok. Kaya’t
sisirin mo ang tanong kong ito Ang
singsing kong ito ay nang maangkin mo, Ang
singsing na itong linso’t walang bato Turan mo’ng simula at ang dulo nito.
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat,
Na ‘di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong singsing nais mang
makuha, Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba nang
‘di masabing ikaw ay buwaya Akong
nabunot ng pang-ikalawa. Inaangkin hirang kanyang karapatan sumisid sa dagat ng
singsing mong bugtong na siyang panumbas
sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing,
aking Neneng, walang puno’t dulo. Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob at ang katapusa’y panlabas na bilog. Ganyan kung gawin,
singsing ng pag-ibig. Haya’t
nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto kaya’t
heto naman ang para sa iyo; Nang ika’y
parito, pamula sa kanto. Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan,
iyo sanang turan. Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo?
Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan Kay
daling sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon
ko: Bahay, pito lamang at sa mga
ito’y
Aking natandaan, apat ang may ilaw- Ito’y
patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan Kaya’t
isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa
singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang
bahay ni ilaw akong natandaan Kundi
itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga
Tao: (Palakpakan at kantiyawan)
Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi
tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo Ay isang malaki’t mabisang
magneto;
Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo.
Mga
Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipo’t mapaglalaruan? Ito’y
pangarap nang ako’y musmos pa lamang
Kung
talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan
mo ang hiling kong ito.
Nardo: Salamat,
O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong
ako’y munti’t pinalalaki mo. Isang
paborito’t ibig kong kuwento Ay siyang
panugon sa tanong na ito. Sa
pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain. Kahit sa kandungan ng mutya
ko’t giliw. Mapaglalaruang buwang hinihiling.
Mga
Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.
Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot Na
ang huling tanong kaniyang masagot
Itong karagatan isang laro lamang Ngunit paglalarong birong totohanan
Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan ako’y maparool.
Ingkong
Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.
Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung
tayo’y makasal, ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Na
ating sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal
kita Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Lubid na buhangin, aking pipiliin Kung
pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin Sa
‘sang dahong ipil iyong babalutin.
Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?
Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka
sinungaling
Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring?
Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at
giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin Inakalang
tapat ikaw sa paggiliw Kaya’t sa problemang aking Kahati ka sa tuwa’t sa
ligaya gayo’y din. Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin .Kung
sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
Neneng: Ayoko’t
‘di tama! ‘Di pala kasal, Ni walang sintahan ay mag-aasawa na.
Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may
pagsinta!
Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig. Sayang
ang singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lang siyang sisisid. Mahanga’y
hintin kong kumati ang tubig.
Tandang
Terong: Sa unang
pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo.
Ang karagata’y simula
lang ng kuwento . Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon mo ihibik ang
iyong pag-ibig.
Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng
balikat.)
Mga Tao: Mabuhay si
Ingkong Terong! Mabuhay! Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!
(Palakpakan)
W A
K A S
Halaw
sa Panitikang Pilipino
nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento